
Naniniwala ang National Anti-Poverty Commission na mas dapat iprayoridad ng pamahalaan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps kumpara sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP.
Iginiit ng NAPC na bagama’t marami nang ayuda para sa mahihirap tulad ng TUPAD at AKAP, ang 4Ps pa rin ang higit na nakatutulong sa mga pamilyEvanang nangangailangan.

Naniniwala si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon na dapat ituloy ang kontrobersyal na Ayuda para sa Kapos ang Kita o AKAP program ng Department of Social Works and Development.
Layon ng programa na matulungan ang mga Pinoy na kumikita ng mababa sa minimum wage.

Mas mahal at matagal matapos ang mga school building na gawa ng Department of Public Works and Highways kumpara sa gawa ng mga Non-Government Organization.
Kaya naman nais ng mga mambabatas na magkaroon ng standard price para sa pondong ibibigay sa school construction projects.

Nais paimbestigahan sa Senado ang hindi magkakatugmang presyo sa pagpapatayo ng mga classroom sa bansa.
Sa isinagawang pagdinig ngayong araw, tinutukoy kung saan napupunta ang mga pondo para sa classroom construction.

Ilang linggo bago magsimula ang rice importation ban, nagmahal ng P30 hanggang P40 kada sako ang presyo ng mga imported na bigas sa mga pamilihan.
Ayon sa Department of Agriculture, iimbestigahan nila kung ano ang nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo.