
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na hawak ngayon ng mga rebeldeng Houthi ang ilang Pilipinong tripulante ng MV Eternity C.
Pinag-aaralan pa ng ahensya ang posibilidad ng mas mahigpit na deployment policy para sa mga seafarer na maglalayag sa ruta ng Red Sea.

Tuluyang bumigay ang isang hanging bridge na nag-uugnay sa 2 barangay sa Quezon City dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at pagbaha nitong mga nakaraang araw.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng lungsod, agad silang kumilos upang maresolba ang abalang idinulot nito sa mga residenteng umaasa sa naturang tulay bilang pangunahing daan.

Hindi umano ramdam ng ilang Pilipino ang mga flood control projects sa bansa.
Samantala, pagdating naman sa Maynila, mayroong drainage master plan ang pamahalaang lungsod upang maibsan ang problema sa baha.

Sanay nang lumikas ang ilang residente ng Tondo at iba pang bahagi ng Maynila sa tuwing may matinding pag-ulan.
Bagama’t handa ang lokal na pamahalaan sa pagtanggap ng mga evacuee, kailangan pa rin ng karagdagang pondo. Kaya’t pinag-iisipan na ng lungsod ang pagdedeklara ng state of calamity.

Nakaranas ngayong araw ng pagbaha sa iba't ibang bahagi ng Maynila dahil sa pag-ulang dulot ng habagat.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, may epekto ang kakulangan at sirang pumping stations kung bakit mabilis umangat ang tubig sa lungsod.