Back

Dante Amento

3:46
Politics

Brgy. at SK elections postponement bill, hahayaan na umano na mag-lapse into law ayon sa COMELEC

August 14, 2025 8:25 PM
PST

Wala nang mangyayaring formal signing ng panukalang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, kundi hahayaan na lamang ito na mag-lapse into law.

Ito ay batay sa impormasyong natanggap ng Commission on Elections. Ayon kay Chairman George Erwin Garcia, August 14 awtomatikong magiging batas ang panukala kahit walang pirma ng pangulo.

1:38
Politics

SC, nilinaw na ang kanilang desisyon sa impeachment case ni VP Sara ay 'immediately executory'

August 14, 2025 8:25 PM
PST

Nilinaw ng Korte Suprema na immediately executory o agarang ipinatutupad ang kanilang desisyon sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Pinagkokomento naman ng hukuman ang pangalawang pangulo sa inihaing motion for reconsideration ng House of Representatives sa kaso.

2:50
Politics

Ex-justices, hiniling sa SC na ipahinto muna ang aksyon ng Senado sa VP Duterte impeachment

August 14, 2025 8:25 PM
PST

Naghain ng mosyon sa Korte Suprema ngayong hapon ang ilang dating mahistrado upang humiling na maglabas ng kautusan na pansamantalang ipatigil ng Senado ang pagtalakay sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

May ilang grupo rin ang nananawagang baligtarin ng hukuman ang desisyon ng SC kaugnay ng naturang kaso.

2:47
Politics

Concerned citizens, humiling sa SC ng public oral arguments kaugnay ng impeachment ruling

August 14, 2025 8:25 PM
PST

Naghain ng sulat sa Korte Suprema ang iba’t-ibang grupo o concerned citizen na humihiling sa hukuman na baligtarin ang kanilang desisyon sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte. Anila dapat magkaroon din ng public oral arguments sa isyu.

3:16
Politics

Kamara, nagkaroon ng pang-aabuso sa paghawak ng impeachment ayon sa isang constitutional lawyer

August 14, 2025 8:26 PM
PST

Naniniwala ang isang batikang constitutional lawyer na walang mangyayaring constitutional crisis kaugnay ng deklarasyon ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Binigyang-diin nito ang aniya'y malubhang pag-abuso ng Kamara sa kapangyarihan sa paghawak ng impeachment case ng Bise Presidente.