
Iniimbestigahan na ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang tax compliance o pagbabayad ng buwis ng mga contractor ng flood control projects.
Ayon sa BIR, hihingi sila ng mga dokumento upang mapag-aralan ang tax payments sa mga proyektong pinasok ng mga contractor.

Hihilingin ng Department of Justice o DOJ sa korte na i-discharge o huwag nang isama bilang akusado sa kaso ng missing sabungeros ang whistleblower na si Julie Patidongan alyas Totoy.

Hindi magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ) sa mga alegasyon laban kay nagbitiw na National Bureau of Investigation (NBI) director Jaime Santiago.
Ayon sa ahensya, mananatiling walang aksyon hangga’t walang matibay na ebidensyang inihahain laban kay Santiago.

Inilabas na ng Judicial and Bar Council o JBC ang listahan ng mga aplikante para maging susunod na Ombudsman kapalit ng nagretiro na si Ombdusman Samuel Martires.
Humingi naman ng komento o pananaw ang JBC mula sa publiko kaugnay ng mga aplikante.

Umaasa ang Commission on Elections o COMELEC na mayroon nang malinaw na kasagutan kung matutuloy ba o hindi ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE sa susunod na buwan. Mahalaga anila ito para sa kanilang preparasyon.