
Inihayag ng abogado ni dating pangulong Rodrigo Duterte na hindi batayan o patunay ang mga nakaraang pahayag ni FPRRD na may extrajudicial killing sa kanyang administrasyon.
Kinontra naman ito ng isang human rights lawyer na tumatayong abogado ng ilan sa mga umano'y biktima ng war on drugs.

Naniniwala ang Assistant Counsel to the International Criminal Court na si Atty. Kristina Conti na pinoproseso pa ngayon ng ICC ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na idiskwalipika si ICC Prosecutor Karim Khan na hahawak sa kaso.
Ito ay salungat sa naunang report na inatras na ng kampo ng dating pangulo ang kanilang hiling.

Iniimbestigahan ngayon ng Commission on Elections o COMELEC ang ilang kontraktor na nagbigay ng donasyon sa kumandidato noong 2022 elections.
Ayon sa komisyon, hindi pa nila masabi sa ngayon kung may pananagutan din ba ang mga kandidato na tumanggap ng donasyon.

Wala pang natanggap na official document ang kampo ni KOJC leader Apollo Quiboloy kaugnay ng umano'y extradition request ng United States government.
Ayon sa abogado ni Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon, kung totoo man aniya ang ulat ay iginagalang nila ang pasya ng Amerika dahil sang-ayon naman ito sa extradition treaty sa Pilipinas.

Sisilipin na rin ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang flood control projects ng pamahalaan.
Partikular na titingnan ng BIR ang tax compliance o pagbabayad ng buwis ng mga kontraktor sa kontrobersyal na mga proyekto.