
Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang birthday wish, at ito ay ang maiangat ang buhay ng mga Pilipino.
At sa pagkakataong ito, naging partikular ang Pangulo sa kaniyang birthday wish, at ito ay ang kaniyang pangarap na wala nang Pilipinong magugutom.

Naglabas ng pahayag si Laguna 4th District Representative Benjamin Agarao Jr. matapos itong maisama sa pinangalan ng mag-asawang Discaya na umano’y tumatanggap ng pera mula sa mga proyekto sa flood control.
Ayon sa social media post ng mambabatas, itinanggi nito na humingi siya ng pera sa mga Discaya kapalit ng proyekto sa distrito ng Laguna.

Nasa higit 53,000 na mga websites na may kaugnayan sa online sabong ang na-take down na ng Department of Information and Communications Technology, ayon kay Secretary Henry Aguda.
Ayon sa kalihim, agad inaaalis ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ang URL o Uniform Resource Locator ng isang website na may kaugnayan sa online sabong.

Inatasan ng Department of Transportation ang Land Transportation Office na ipatawag ang dalawang DPWH engineers na nasa pagdinig ng Senado kahapon.
Ito ay dahil sa umano’y paggamit ng pekeng driver’s license para makapasok sa casino.

Pitong maritime militia vessel ng People's Liberation Army at dalawang Coast Guard vessel ang nananatili pa rin sa Ayungin Shoal batay sa monitoring ng Philippine Navy kahapon.