
Inihayag ni Department of Justice Secretary Boying Remulla na pumayag si Ret. Police Colonel at dating PCSO general manager Royina Garma na tumestigo sa International Criminal Court o ICC sa kaso laban kay dating Pang. Rodrigo Duterte kaugnay ng war on drugs.

Kinuwestyon ni Senator Kiko Pangilinan ang inilabas na sworn statement ng mag-asawang Discaya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon.
Sa naturang statement, pinangalanan ni Curlee Discaya ang mga opisyal ng pamahalaan na umano’y sangkot sa korupsyon sa flood control projects ng pamahalaan.

Tumagal lamang ng mahigit 30 minutes ang deliberasyon ng House Committee on Appropriations sa 2026 proposed budget ng tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay matapos bumoto ng pabor ang 56 na House panel members sa mosyon ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan na i-terminate na agad ang pagdinig bilang bahagi ng tradisyon ng inter-parliamentary courtesy.

Tumanggi si Senate President Vicente Sotto III na ipaliwanag kung ano ang dahilan sa likod ng pagpapalit ng liderato sa Senado.
Mas nararapat aniyang tanungin ang apat na senador na kasama niya sa minorya.

Nagkasundo ang Pilipinas at Cambodia na palakasin ang kooperasyon nito sa iba't ibang larangan.
Sa bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Hun Manet, tinalakay nila ang mga mahalalagang isyu na nakaapekto sa dalawang bansa.