
Nadala na bandang alas-sais ng hapon kahapon si former Bulacan Assistant District Engineer Brice Ericson Hernandez sa custodial center ng Philippine National Police.
Opisyal siyang nai-turn over mula sa kustodiya ng Senado.

Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinanggal niya si Gen. Nicolas Torre III bilang hepe ng Philippine National Police dahil hindi ito sumunod sa direktiba ng National Police Commission o NAPOLCOM.

Isang malawakang pagkilos ang inihahanda ng ilang grupo sa gitna ng tila talamak na korupsyon sa bansa.
Kasama rin sa mga nananawagan ng pananagutan si dating Presidential Anti-Corruption Commission Chairman sa ilalim ng Duterte administration, Greco Belgica.

Nilinaw ni Curlee Discaya na wala siyang direktang transaksyon kina House Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, na dating House Appropriations Panel Chairperson.

Iginiit ng ilang senador sa Department of Budget and Management sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Finance kahapon na dapat itong magkaroon ng mas epektibong budget management.
Anila, dapat masusing suriin ng DBM ang mga sinusumiteng budget ng lahat ng ahensya ng gobyerno, lalo na ng Department of Public Works and Highways o DPWH.