
Kumpyansa si Executive Secretary Lucas Bersamin na walang banta sa katatagan ng gobyerno kahit iba't ibang ahensya na ang nadadawit sa isyu ng anomalya sa flood control projects.
Pero nababahala ang opisyal sa mga anomalya sa flood control projects ng pamahalaan.

Pagpapaliwanagin ng Bureau of Customs o BOC ang mahigit 10 nilang dati at kasalukuyang tauhan kaugnay ng hinihinalang smuggled luxury vehicles ng pamilya Discaya.
Karamihan sa mga ito ay nasa Cebu, Batangas, at NCR.

Mas talamak ang paghingi ng kickback ng ilang politiko at mga tauhan ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa kasalukuyang administrasyon.
Ito ang ipinahayag ni Atty. Cornelio Samaniego III, tagapagsalita at isa sa mga abogado ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.

Naniniwala si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na may mga mambabatas na sangkot sa sindikato na nasa likod ng katiwalian sa flood control projects.
Ayon sa punong lungsod ng Baguio, ito ay dahil karamihan ng sangkot ay mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Tinututulan ng ilang Kongresista na maging state witness ang mag-asawang Discaya sa maanomalyang flood control projects dahil sa paniniwalang hindi ito nagsasabi ng buong katotohanan.