
Inihayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na marami-rami na ang mga ebidensyang kanilang nakalap hinggil sa mga katiwaliang nangyayari sa bansa.
May plano na rin aniya ang mga kasapi ng Mayors for Good Governance na maghain ng kaso sa kinauukulang ahensya ng mga hawak nilang ebidensya kaugnay ng mga iregularidad sa bansa.

Tanggal agad at hindi na dadaan pa sa suspensyon ang sinumang kawani ng Department of Public Works and Highways na masasangkot sa katiwalian.
Ito ang inihayag ni DPWH Sec. Vince Dizon kasunod ng pagsasampa ng bagong reklamo sa Office of the Ombudsman laban sa nasa 20 opisyal ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office.

Naniniwala si Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Sen. Panfilo Lacson na makakatulong sa kanilang imbestigasyon ang dating chairperson ng Senate Committee on Finance na si former Sen. Grace Poe.
Ito'y dahil malaking hamon ang pagtukoy sa mga nagpasok ng insertions sa pambansang pondo ngayong 2025.

Nagpahayag ng buong suporta si Public Works and Highways Sec. Vince Dizon sa Independent Commission na siyang mangangasiwa sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa infrastructure projects ng gobyerno.

Inilabas na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order na bubuo sa kapangyarihan ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
Pangungunahan ito ng chairperson at dalawang miyembro ng komisyon.