
Target ng Department of the Interior and Local Government o DILG na ipatupad ang Unified 911 na makaresponde sa loob ng 5 minuto sa Metro Manila at 8 minuto naman sa ibang mga probinsya.
Sa ilalim ng Unified 911, lahat ng emergency na tawag para sa pulis, bumbero, medikal, o pagtugon sa kalamidad ay dadalhin sa isang pinagsamang network na nagkokonekta sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, at mga lokal na pamahalaan.

Naging sentro ng mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat lumaban para sa dignidad ng bawat Pilipino nang pangunahan niya ang selebrasyon ng ika-isangdaan at walong taong kaarawan ng kaniyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Binigyang-diin rin ni PBBM na hindi niya papayagan na maibagsak ang sinomang Pilipino ng mga nasa kapangyarihan o sinomang tao.

Pinayagan ng International Criminal Court o ICC ang limited postponement ng Confirmation of Charges ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Kasunod ito ng request ni Atty. Nicholas Kaufman na indefinite adjournment sa kaniyang proceedings dahil hindi umano fit ang dating pangulo para humarap sa paglilitis dahil sa "cognitive impairment".

Handa ang Philippine National Police sa mga kilos-protesta sa gitna ng kontrobersya sa flood control projects ng pamahalaan.
Naniniwala naman si DILG Sec. Jonvic Remulla na hindi matutulad ang Pilipinas sa bansang Indonesia at Nepal na nagkaroon ng matinding kaguluhan dahil sa kurapsyon.

Pinag-aaralan na ng House Infrastructure Committee o Infra Comm ang pagrerekomendang isailalim sa Witness Protection Program o WPP sina Brice Hernandez at JP Mendoza, mga dating engineer sa DPWH Bulacan 1st District Engineering Office.