
Ipinahayag ni Bicol Saro Party List Rep. Terry Ridon, Co-Chairperson ng House Infra Committee, na sinadyang lokohin ni former DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara ang pamahalaan sa hindi pagpapatupad ng flood control project sa Baliuag, Bulacan.
Inamin ni Alcantara na pumirma siya ng certificate of completion kahit hindi nagsagawa ng inspeksyon sa naturang reinforced concrete river wall sa Brgy. Piel sa Baliuag, Bulacan.

Hinihikayat ng ilang House Leaders ang kanilang mga kapwa kongresista na 'wag munang makibahagi sa deliberasyon ng panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon hangga’t hindi nareresolba ang mga kwestiyonableng items sa 2026 National Expenditure Program o NEP.
Bukod sa panukalang budget para sa Department of Public Works and Highways, may nakita rin umanong kwestiyonableng items ang mga kongresista sa ilalim ng Department of Agriculture at Department of the Interior and Local Government.

Kinumpirma ng Philippine Navy na nagtamo ng superficial damage ang BRP Antonio Luna habang nasa bilateral exercises sa Malaysia.

Nasa 4% ng gross domestic product ng Pilipinas ang ilalaan para sa edukasyon.
Ayon kay Education Sec. Sonny Angara, isang makasaysayang hakbang ang nakalaang pondo dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay pasok ito sa benchmark ng UNESCO pagdating sa education spending.

Padadalhan ng subpoena ang limang contractors na no-show sa unang pagdinig ng House Infrastructure Committee kahapon kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
Ayon kay House Infra Comm. Co-chairperson at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, may mga hawak na silang dokumento para sa bubuuing reklamo laban sa mga sangkot na opisyal ng DPWH at contractors.