Hinihikayat ng ilang House Leaders ang kanilang mga kapwa kongresista na 'wag munang makibahagi sa deliberasyon ng panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon hangga’t hindi nareresolba ang mga kwestiyonableng items sa 2026 National Expenditure Program o NEP.
Bukod sa panukalang budget para sa Department of Public Works and Highways, may nakita rin umanong kwestiyonableng items ang mga kongresista sa ilalim ng Department of Agriculture at Department of the Interior and Local Government.