
Umapela si House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima sa mga kapwa mambabatas na tuldukan na ang tumitinding katiwalian sa pamahalaan.
Aniya, hindi dapat hintaying sapitin ng Pilipinas ang nangyayari ngayon sa Indonesia at Nepal, kung saan sumiklab ang karahasan sa mga kilos-protesta laban sa korapsyon at katiwalian.

Nagbitiw na sa puwesto si Nepal Prime Minister K.P. Sharma Oli nitong Martes, matapos hindi mapigilan ang lumalalang kilos-protesta laban sa korapsyon, kung saan umabot sa labing-siyam ang nasawi at mahigit isang daan ang nasugatan.

Pinag-iingat ngayon ng Philippine Embassy ang mga Pinoy na nasa Qatar kasunod ng nangyaring pag-atake ng Israel sa mga lider ng Hamas.
Sa abiso ng Philippine Embassy sa Qatar, pinapayuhan ang mga kababayan natin doon na manatili muna sa loob ng bahay at iwasan ang mga pampublikong lugar, maliban na lamang kung kinakailangan.

Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang birthday wish para sa mga Pinoy.
Ayon sa pangulo, hindi nagbabago ang kaniyang wish mula nang magsimula siya sa kaniyang political career.

Agad na inaprubahan ng Senate Committee on Finance ang ₱27.362 bilyong proposed budget ng Office of the President matapos ang halos 30 minutong deliberasyon.
Ayon sa mga opisyal, malaking bahagi ng pondo ay ilalaan sa regular na programa, aktibidad, at proyekto ng Tanggapan ng Pangulo.