
Plano ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na makipag-usap kay dating DPWH Secretary at ngayon ay Senator Mark Villar.
Nais aniya niyang makausap ang lahat ng mga namuno sa DPWH na kaniyang sinundan. Alinsunod aniya ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ayusin ang kagawaran.

Patay si conservative influencer at Turning Point USA co-founder Charlie Kirk matapos barilin sa leeg sa isang event sa Utah Valley University.
Ayon sa mga awtoridad, patuloy pa ang imbestigasyon at wala pang permanenteng suspek na hawak ang pulisya.

Nasabat ng Bureau of Customs-NAIA ang hinihinalang high-grade marijuana o kush na nagkakahalaga ng 227 million pesos.
Ito na anila ang siyang pinakamalaking halaga ng kush na nakuha sa kasaysayan sa naturang paliparan.

Iniulat ng Department of Foreign Affairs nitong Miyerkules na walang Pinoy ang apektado ng protesta sa bansang Nepal kasunod ng mainit na protesta na resulta ng social media ban at korapsyon.
Kausap ng Embahada ng Pilipinas sa New Delhi at Honorary Consulate General sa Kathmandu ang mga Filipino community sa bansa.

Muling sumulat sa Department of Justice si Public Works and Highways Secretary Vince Dizon upang hilingin na isama sa paglalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order o ILBO.