Kinasuhan na sa Sandiganbayan ang ilan sa mga kawani ng Department of Public Works and Highways o DPWH Region 4B-Mimaropa, mga tauhan ng contractor ng proyekto na Sunwest Corporation, at ang beneficial owner ng kumpanya na si Zaldy Co.
Kasama sa mga kasong kinakaharap ng mga akusado ay malversation of public funds through falsification of public documents at paglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.






















