Binuweltahan ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard sa issue ng West Philippine Sea, ang ginawang pagbomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa mga fishing vessel ng mga Pilipinong mangingisda.
Aniya, salungat sa lohika ang pahayag ng China na ang mga bangkang pangisda na gawa sa kahoy ay organisado at nagsisimula ng gulo laban sa mas malalaki at armadong mga barko ng China.






















