Kaabang-abang ang bagong kwentong ihahatid ng Wishdate concert, ang signature concept na pinagsamang kilig ng OPM hits, saya ng theater, at cinematic feels ng pelikula.
Mapapanood na sa Smart Araneta Coliseum ngayong Linggo, tampok ang mga kilala at nagbabalik na mga paboritong OPM artist, at live acting and big screen visuals mula sa mga bago at batikang artista.