Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA na posibleng may mabuo at pumasok na tropical cyclone sa bansa ngayong buwan ng Abril.
Ayon sa PAGASA, maaaring mag-landfall ang bagyo depende sa magiging entry point nito sa silangang bahagi ng bansa.























