Naniniwala si Vice President Sara Duterte na layon lamang ng paglantad ni Ramil Madriaga na siya ay siraan at harangin ang posibleng pagtakbo sa 2028 presidential elections.
Sa opisyal na pahayag ng Bise Presidente, sinabi nito na nagpapakalat ngayon ng maling impormasyon si Madriaga na, aniya, desperado na makalaya sa bilangguan.






















