Pagpapaliwanagin ng Commission on Elections o Comelec si Sen. Rodante Marcoleta sa isyu hinggil sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE noong 2025 midterm elections.
Sa isang panayam, inamin ni Sen. Marcoleta na tumanggap siya ng mga donasyon mula sa kaniyang mga kaibigan, pero hindi niya nilagay sa SOCE dahil nakiusap na huwag silang pangalanan.






















