Naglabas ng mensahe sa social media si Vice President Sara Duterte sa kanyang paggunita sa unang anibersaryo nang dalhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague.
Ayon sa kanya, ang extraordinary rendition o kidnapping sa dating Pangulo ay isang pangyayaring sumubok sa demokrasya at sa prinsipyo ng due process at rule of law sa bansa.






















