Planong maglabas ng Department of Health (DOH) ng bagong polisiya na mag-uutos para maging zero balance billing ang mga pay ward sa mga DOH hospitals.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, magkakaroon ng mas magandang accommodation ang mga regular na nagbabayad ng kontribusyon sa Philhealth.






















