Halos tatlong buwan nang lubog sa baha ang apat na barangay malapit sa Naujan Lake sa Victoria, Oriental Mindoro at lalo pang lumalala dahil sa malakas na ulan dulot ng shear line.
Pinakamalubha ang sitwasyon sa Barangay Malabo kung saan halos 200 bahay ang nananatiling lubog sa tubig.























