Inihayag ng White House na posibleng magkita sa susunod na linggo sina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin bilang bahagi ng pagsisikap na tapusin na ang giyera sa Ukraine.
Kasunod ito ng pakikipagpulong ng US Special Envoy na si Steve Witkoff kay Putin sa Moscow kung saan napag-usapan ang posibilidad ng ceasefire.