Iginiit ng Iran na karapatan nito ang uranium enrichment at hindi ito maaaring isuko, kasabay ng patuloy na negosasyon sa Estados Unidos.
Ayon kay Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi, nakasalalay ang anumang kasunduan sa pagrespeto ng US sa karapatang ito, na itinuturing ng Tehran bilang mahalagang bahagi ng kanilang soberanya.






















