Mino-monitor na ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi at ng Consulate General sa Dubai ang mga ulat hinggil sa ilang mga Pilipino na umano'y naaresto dahil sa pagpo-post at pagse-share ng mga video at iba pang online contents na may kaugnay sa mga pag-atake at air defense interceptions na nagaganap ngayon sa Dubai.






















