Suportado ng Malacañang ang panawagan na ibalik ang natapyas sa panukalang pondo ng Department of Public Works and Highways o DPWH para sa susunod na taon.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, alam ng pangulo ang apela ni Dizon na maibalik ang nasa 45 billion pesos na ibinawas sa panukalang pondo ng ahensya.






















