Inakusahan ni US President Donald Trump ang Iran ng paglabag sa umiiral na tigil-putukan kasunod ng pagpapaputok ng Iranian revolutionary guards sa mga barko sa Strait of Hormuz.
Muli ring nagbabala si Trump ng matinding pag-atake sa Tehran kung hindi ito papayag sa pakikipagkasundo sa Estados Unidos.























