Nananawagan sa pamahalaan ang grupo ng Teachers Dignity Coalition o TDC na bigyan sana ng agarang 15,000 pesos across-the-board na umento sa sahod ang mga guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Ayon sa TDC, maraming public school teachers na ang nalulubog sa mga utang dahil sa sobrang liit ng kanilang sinasahod.























