Pinangunahan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano, kasama ng lokal na pamahalaan at mga guro, ang groundbreaking ng dalawang silid-aralan sa New Ibajay Elementary School sa El Nido, Palawan.
Layunin ng proyekto na makatulong na mabawasan ang kakulangan sa classrooms at mapabuti ang kalagayan ng pag-aaral ng mga estudyante sa lugar.






















