Naaresto na ng mga pulis ang suspek sa pamamaril sa dalawang security guard sa isang car dealership sa Fairview, Quezon City noong Miyerkules, December 24.
Ayon kay QCPD Acting District Director PCol. Randy Glenn Silvio, base sa inisyal na imbestigasyon, nakararanas ng bullying ang suspek mula sa dalawang biktima.






















