Maaaring mag-apply ng calamity loan program ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) na naapektuhan ng bagyong Tino sa Cebu.
Bukas ang aplikasyon mula Nobyembre 6 hanggang Disyembre 5, 2025, bilang tulong pinansyal sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng kalamidad.























