Tiniyak ng Office of the Solicitor General (OSG) na sasagutin nila sa loob ng itinakdang panahon ang mosyon ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng inisyu umanong warrant laban sa kanya.
Hiniling ng mambabatas sa Korte Suprema na pigilan ang pagpapatupad ng arrest warrant ng ICC at ang posibleng paglipat sa kanya sa foreign custody.






















