Ilang ospital sa Pilipinas ang tumanggap ng parangal sa taunang Healthcare Asia Awards na ginanap sa bansang Singapore.
Ang nasabing karangalan ay pagkilala sa mga makabagong inisyatibo ng mga ospital upang mas mapabuti ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa publiko.






















