Nadiskubre ng Senate Committee on Finance ang sobra-sobrang presyo ng ilang farm-to-market road projects na umaabot sa ₱348,000 kada metro, higit 20 beses na mas mataas sa itinakdang ₱15,000 benchmark ng Department of Agriculture.
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, malinaw itong indikasyon ng katiwalian dahil sa labis na pagpepresyo ng mga proyektong ipinatupad ng DPWH.