Uminit ang talakayan sa pagdinig ng Senate Ad Hoc Committee kahapon, March 24, nang mapag-usapan ang magkakasalungat na pananaw ng Malacañang at ng ilang senador kung mayroon na nga bang krisis sa langis ang bansa.
Ayon sa chairman ng Ad Hoc Committee na si Senator Sherwin Gatchalian, handa naman silang magpatawag ng special session anumang oras kung talagang kinakailangan.






















