Handang bumaba sa pwesto bilang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee si Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson matapos ipahayag ng ilang kapwa niya senador ang pagkadismaya sa kanyang pamumuno sa imbestigasyon kaugnay ng mga iregularidad sa flood control projects.
Ayon kay Lacson, siya ay magpapasailalim sa kapwa senador na sa tingin nila ay mas makakapangasiwa nang maayos sa komite, kasabay ng pagtitiyak na ipagpapatuloy niya ang laban kontra katiwalian sa paggamit ng pondo ng bayan.