Hindi dapat ‘pinapaganda’ ng mga ahensya ng gobyerno ang kanilang mga ulat sa Pangulo kaugnay ng nararanasang krisis sa bansa upang maitago ang tunay na sitwasyon.
Ito ang binigyang-diin ni Senator JV Ejercito sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng patuloy na tensyon sa Middle East.






















