Nilinaw ni Senator Francis "Chiz" Escudero na hindi niya hiniling ang posisyon bilang presiding officer ng impeachment trial court.
Samantala, bukas ang senador sa mga kuwestiyon sa legalidad ng kaniyang pagiging presiding officer, gayundin sa posibleng pagdulog ng ilang grupo sa Supreme Court hinggil sa 16-vote threshold para sa posibleng conviction ni Vice President Sara Duterte.






















