Pinabulaanan ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang aniya’y mga alegasyong nakasaad sa dokumentong inilabas ng International Criminal Court (ICC) na nagmula sa Office of the Prosecutor.
Partikular itong tumutukoy sa umano’y mga co-conspirators o kasabwat sa kasong crimes against humanity na kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay ng war on drugs campaign.






















