Pinag-aaralan ng Social Security System ang pagpapatupad ng loan moratorium at condonation ng penalties para sa mga employer.
Ayon kay SSS President at CEO Robert Joseph M. de Claro, layunin ng mga hakbang na ito na mabawasan ang pinansyal na pasanin ng mga miyembro at employer ng SSS sa gitna ng krisis sa enerhiya.






















