Iginiit ni Department of Health Secretary Teodoro Herbosa na hindi na kailangan ang guarantee letter sa mga ospital na accredited ng DOH dahil sa pagpapatupad ng Zero Balance Billing program.
Ayon sa kalihim, malaking tulong din ang isang bilyong pisong pondo na inilaan sa ahensya upang mas mapalawak at maipatupad ang programa sa local government hospitals.

























