Sang-ayon si DPWH Secretary Vince Dizon na tapyasan ang pondo para sa panukalang mga proyekto ng kagawaran sa 2026.
Aminado ang kalihim na ilang mga proyekto na nakapaloob sa kanilang panukalang budget sa susunod na taon ang natuklasan mismo nila na overpriced o sobra-sobra ang presyo.






















