Tiniyak ni Department of Public Works and Highways o DPWH Sec. Vince Dizon na tuloy-tuloy ang pagtatrabaho ng DPWH upang mapanagot ang mga nasa likod ng nangyaring anomalya sa mga proyekto sa flood control projects ng pamahalaan.
Hindi sila titigil sa pagsusumite ng mga referral at report sa Office of the Ombudsman katulong ang Independent Commission for Infrastructure o ICI para mapakasuhan at makulong na ang mga nasabing indibidwal.






















