Tinawag ni US President Donald Trump na “totally unacceptable” ang tugon ng Iran sa peace proposal ng Amerika kaugnay ng nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.
Iginiit naman ng Iran na hindi nito babaguhin ang posisyon para lamang mapasaya si Trump, kasabay ng pagtutol nito sa ilang kondisyon ng US sa usaping pangkapayapaan.






















