Nakadetine na ang lahat ng mga akusado sa kasong may kinalaman sa umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Ngayong araw, nag-isyu ng commitment order ang Sandiganbayan Third Division para kay Emelita Juat at Christina Pineda, na mula rin sa Bulacan 1st District Engineering Office.






















