Tinanggap na ng Kamara ang pagbibitiw bilang miyembro ng House of Representatives ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, ang dating chairperson ng House Committee on Appropriations ng 19th Congress.
Pero ayon kay House Speaker Bojie Dy III, dapat harapin pa rin ni Co ang mga alegasyon laban sa kaniya.