Inihain sa Kamara ang isang resolusyong nag-uudyok sa Department of Trade and Industry at Department of Energy, sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, na makapagsagawa ng pag-aaral at tantyahin kung kailangang i-adjust at bawasan ang oras ng operasyon ng mga mall at iba pang commercial establishment sa buong bansa.






















