Puspusan na ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa posibleng pananalasa ng bagyong Opong.
Sa Marikina City, agad nang nag-deploy ng rescue equipment ang lokal na pamahalaan, habang nakaalerto na rin ang Philippine Coast Guard sa mga lugar na posibleng daanan ng bagyo.